BAND REVIEWS AND COMMENTS


Monday, March 22, 2010

ENTABLADO

A song for the happy people of STAGE CHOIR...thus named entablado


ENTABLADO
Words and Music by G.Guballa

I
Isang araw
sa buhay mo
Magbabalik tanaw
sa noong ako't ika'y
sabay gumagalaw
sa entablado ng buhay
ay sumasayaw

II
Kahapon lang
sa isip ko ay dumaan
Bakas ng pag-ibig
ng ating nag-daang
may luha't may ngiti
di malimot
na sandali

REF
Himig ng sumpaan
Tinig ng nakaraan
Muling sasariwain
nitong awitin..

CHORUS
Kahit itong mata ay lumabo na
Mukha mo pa rin ang nais na makita
Humina man ang aking pandinig
Ang 'yong tinig pa rin ang nais marinig
Pumuti man ang buhok
Dalawa man ang tungkod
Hindi magbabago
Ikaw pa rin ang nais ng
Puso ko...

III
Taong lumipas
parang kay bilis
Mayroong ibang
nawala at umalis
Lumayo...bumalik
Hindi mawala
sa aking isip

IV
Minsana ako'y
napatingin
Sa ating larawan
sa salamin
Parang kanina lang
mga tawa at
ngiti natin

REF
Himig ng sumpaan
Tinig ng nakaraan
Muling sasariwain
nitong awitin


CHORUS
Kahit mga mata ko ay malabo na
Kayo pa rin ang nais na makita
Mahina na ang aking pandinig
Inyong tinig pa rin ang nais marinig
Maputi na ang buhok
Dalawa na itong tungkod
Hindi magbabago
Kayo pa rin ang nais na
Kapiling ko...

No comments:

Post a Comment

PHILIPPINE'S ROCK CHART(All Rock Sub-Genre covering the whole Nation)


PHILIPPINES ALTERNATIVE INDIE CHART